News

Scholarship program para sa mga priority courses, lusot na sa SP Quezon

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang panukalang ordinansa para sa pagkakaloob ng scholarship sa mga kuwalipikadong estudyante sa mga piling kurso.

Layon umano nito na tugunan ang kakulangan sa ilang propesyon sa lalawigan.

Sa ilalim ng ordinansa, bibigyan ng full scholarship ang mga deserving students sa mga paaralang nasasakupan ng Quezon na may return service program.

Samantala, hindi pa malinaw kung sakop ng ordinansa ang mga eskwelahan sa labas ng probinsya.

Kabilang sa assistance na ibibigay sa mga estudyante ay tuition fee, allowances para sa uniform, dormitory, transportation at iba pa.

Sa ngayon, inaalam ng komitiba ng edukasyon ng Sangguniang Panlalawigan ang priority courses na lalamanin ng ordinansa ngunit malinaw umano na ang ilan dito ay may kinalaman sa kalusugan.

Binubuo na din ang implementing rules and regulations nito, kasama ang pagtukoy kung gaano katagal ang magiging return service program.

Pin It on Pinterest