Magsasaka binaril ng kapatid sa San Francisco, Quezon

Patay ang isang lalaking magsasaka matapos umanong pagbabarilin ng sarili nitong kapatid sa Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos, San Francisco, Quezon nitong Huwebes, Setyembre 29.

Kinilala ang nasawing biktima na si Michael Dela Cruz Yare, 39-anyos, residente ng naturang lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Pulisya, pauwi na umano noon sa kanilang tahanan ang kasama ang anak nito, nang biglang dumating ang suspek na Melencio Dela Cruz Yare Jr., 37-anyos nakababatang kabatid ng biktima saka walang anu-anong pinagbabaril ang biktima ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Kaagad na tumakas si Melencio habang nagtamo naman ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Matagal na umanong may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid. Pinaghahanap na ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Pin It on Pinterest