News

Water supply ng San Narciso, madumi! Mga residente pinag iingat

Pinaalalahanan ng lokal ng pamahalaan ng San Narciso, Quezon ang mga residente nito na hindi pa ligtas inuumin ang tubig na mangagaling sa mga gripo dahil sa maaari itong madulot ng sakit tulad ng diarrhea.

Nakaranas kasi ang bayan ng pagkalabo o maruming suplay ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa LGU, nakapasok ang mineral deposits mula sa source nito na Mabilog Reservoir sa mga pipeline kung kaya’t maruming tubig ang dumadating sa mga residente.

Agad na gumawa ng aksyon ang lokal na pamahalaan kasama San Narciso Water District upang matugunan ang naturang problema.

Agad na nagsagawa ng flushing sa mga hydrants upang paapawin ang maduming tubig na pumasok sa mga pipelines.

Nagsagawa na rin ang LGU ng pagrarasyon ng tubig sa mga apektadong residente.

Maging ang proyektong water filtration facility na hindi pa sanang nakatakdang buksan ay isinagawa na rin ang kauna-unahang operasyon upang makatulong sa paglilinis ng water source.

Sa ngayon, patuloy na tinutukan ng Waterworks Team ang dry run operation ng pasilidad at sinusubaybayan kung nananatiling malabo pa rin ang Mabilog Reservoir.

Pin It on Pinterest