News

Mga incumbent na kapitan sa Lucena City, halos nagsabay-sabay sa paghahain ng COC ngayong araw

Mas dinagsa pa ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang nagtungo sa opisina ng Commission on Elections o Comelec sa Lungsod ng Lucena para maghain ng kanilang certificate of candidacy o COC.

Kapansin-pansin na sa ikalimang araw ng COC filing ay maraming mga incumbent kapitan sa lungsod kasama ang kani-kanilang grupo para sa paghahain ng kanilang kandidatura.

Kabilang sa mga magpa-file ng COC sa muling pagka-kapitan sina Kap. Herminia Abuel ng Barangay Uno kasama ang buong grupo at ang SK Chairman aspirant nito at ang mga tatakbong SK Kagawad.

Kap. Jun Garcia ng Barangay Mayao Castillo kasama rin ang buong team at ang kanyang mga SK official aspirant sa lugar.

Kap. Gina Sares ng Brgy. Ibabang Iyam, Kap. Enrico De Los Rios ng Brgy. 2, Kap. Peter Daleon ng Brgy. 11, Kap. Amadeo Suarez ng Brgy. 8, Kap. Eduard Sy Bang, Kap. Filipina Flancia at iba pa na pawang mga kasama ang kanilang buong grupo.

Magpa-file rin ng COC sa pagkakapitan si Kagawad Jannine Napule ng Barangay Market View kasama ang buong team at ang SK Chairman aspirant nito na si Rojohn Lajara Katigbak at ang buong grupo.

Habang ang asawa naman ni Kapitan Narfil Abrencillo ng Barangay Gulang – Gulang na si Maricel Abrencillo ay maghahain ng coc sa pagka-kapitan kasama ang team at SK Chairwoman aspirant nito na si Thalia Cecille Llanera.

Una nang sinabi ng Comelec na marami talaga ang magpa-file ngayong araw.

Naniniwala kasi ang iba na suwerte umano ang araw ng September 1 sa kanilang pagtakbo.

Inaasahan ng Comelec-Lucena na mas marami pa ang maghahain sa huling araw ng filing ng COC, September 2.

Pin It on Pinterest