Araw ng kalalakihan ipinagdiwang sa Pagbilao, Quezon. Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic nakiisa sa okasyon
Napuno ng saya at musika ang pagdiriwang ng Araw ng Kalalakihan 2017 noong Nobyembre 19 sa bayan ng Pagbilao sa Lalawigan ng Quezon. Nagtipun-tipon ang mga miyembro ng Men Opposed to Violence Against Women and Children Everywhere o MOVE sa pamumuno ni MOVE Quezon at MOVE Pagbilao President, Municipal Administrator Ian Palicpic. Sa panggabing programa, nagpamalas at nagtagisan ng talento ang mga kasapi ng MOVE. May mga sumayaw, kumanta, at tumugtog ng mga instrumento.
Kasabay ng programa, opisyal na inilunsad ang bagong tema ng samahan na “Makabagong Andres”. Ang bagong tema ay sumasalamin sa katatagan at pagiging responsableng ama ng mga kasapi ng MOVE, gayundin sa kanilang katapangan upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Ang Araw ng Kalalakihan ay isinasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao taun-taon upang kilalanin ang mga kalalakihang Pagbilaowin na ayon sa lokal na pamahalaan ay tunay na mga Makabagong Andres. Nakisaya rin sa programa si Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic na sinusuportahan ang mga aktibidad ng organisasyon.