News

Ika-sampung taong anibersaryo ng MannixMedia 99.7 Max Radio at Bandilyo TV matagumpay na naisagawa

Naging matagumpay ang selebrasyong ng ika-10 anibersaryo ng MannixMedia Inc. ng 99.7 Max Radio at Bandilyo TV. Sa umpisa ng programa ay ikunwento sa pamamagitan ng isang Audio/Video presentation kung papaano nasimula ang kumpanya at istasyon, maging ang mga pag-subok na kinaharap nito upang makarating sa kinaroroonan sa kasalukuyan. Naging panauhing pandangal at tagapagsalita naman sa anibersaryo ng MannixMedia ang kapwa taga-Lalawigan ng Quezon na si PCSupt. Dionardo Carlos na kasalukuyang PNP Spokesperson at PIO Chief. Tinalakay nito sa kanyang talumpati ang pagiging partner ng media at ng PNP para sa mas makubuluhang pamamahala at lipunan. Ikinuwento rin ni Carlos kung papaano nagsimula ang programang Quezon Pulis at your service sa himpilan at ang pagkakabuo ng mga Police Corres na naghahatid ng mga balita mula sa mga bayan na kanilang pinagsisilbihan sa Lalawigan ng Quezon.

Samantala dumating din at nakiisa sa ika-10 anibersaryo ng MannixMedia Inc. si Lucena City Mayor Dondon Alcala, mga kosehal ng Lungsod ng Lucena at staff ng Sangguniang Panglungsod, Quezon PNP Director SSupt. Rhoderick Armamento, ang mga host ng Quezon Pulis at your service sa pangunguna ni PCInsp. Elena Eleazar, Mr. Noel Javelosa ng AZJ Lights and Sounds at iba pang mga panauhin na sa simula pa lamang ng MannixMedia ay palagian nang sumusuporta at sumusubaybay.

Nagpasalamat naman si Kon. Manong Nick Pedro sa mga nagsidalo at sa patuloy na suporta ng mga ito.

Pin It on Pinterest