News

Quezon Travel Mart para sa mas maraming turista isinagawa katuwang ang SM City Lucena

Matagumpay na naisagawa nitong nakaraang araw sa SM City Lucena, Event Center ang kauna-unahan at pinakamalaking travel and tour sale sa lalawigan ng Quezon – ang Quezon Travel Mart, Byahe Kita. Sa pakikipagtulungan ng mga tanggapan ng Provincial Tourism Office of Quezon, Department of Tourism, Tourism Organization of Quezon Province, Phils. Inc., at sa suporta ng lokal na pamahalaan, nakiisa ang mahigit 30 travel agencies, at mga kaugnay na organisasyon sa aktibidad na naglalayong paigtingin pa ang turismo sa lalawigan.

Itinampok ang ilang mga travel promos at discounts para sa mga domestic at international flights na maaaring gamitin sa pamamagitan ng mga packages na mayroon ang mga nakiisang travel agencies mula sa iba’t-ibang sulok ng lalawigan. Ayon kay TOQPPI President, Alfonso Rafael Ranido, malaking bagay ang katulad na aktibidad para sa turismo na itinatampok ang mga magagandang lugar sa Quezon. Pagkakataon rin umano ito upang mas ipakilala pa ang kultura at mga mamamayan ng lalawigan sa mga karatig lugar.

Pin It on Pinterest