LocalNews

Criminology graduate, arestado sa panghoholdap sa isang convenience store sa Lucena City

Arestado ang isang criminology graduate at nag-on-the job training pa sa Lucena City Police Station matapos mangholdap sa isang convenience store sa naturang lungsod at makipagbarilan sa mga pulis, May 1.

Batay sa ulat, nilooban ng suspek na si alyas John, 25-anyos, residente ng Barangay 1, Mulanay, Quezon ang bagong tayong convenience store sa  Barangay. Ibabang Dupay, Lucena City pasado 11 ng gabi.

Armado ang suspek ng glock 17 Gen 4 na ginamit sa krimen at nakatangay ng P31,175 pesos.

Sa panayam kay PLTCOL Reynaldo Reyes, ang hepe ng Lucena City Police Station sa programang Tambayan ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio, ipinaliwanag niya na napindot ng staff ang button server na direktang nakakonekta sa police station kaya mabilis naalarma ang mga awtoridad.

Agad umanong rumesponde sina PSSg Romeo Lustado at PAT Kent Gabriel Mendoza at nang masasakote na ang supek sakay ng motorsiklo ay nagpaputok na ito ng baril kaya napilitang gumanti ang responding officers at tinamaan sa binti si Alyas John.

Narekober sa kanya ang baril, apat na magazine, at perang natangay sa naturang tindahan.

Mahaharap ang suspek sa kasong robbery, direct assault at violation of R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

Pin It on Pinterest