News

Araw ng pamilyang magsasaka idinaos sa Lalawigan ng Quezon

Idinaos nitong nakaraang araw ang Araw ng Pamilyang Magsasaka kasama ang nasa 8,000 manggagawa ng lalawigan ng Quezon. Ginawaran sa okasyon ang mga natatanging magsasaka at mangingisda na kinilala bilang mga Gawad Saka Awardees mula sa iba’-ibang panig ng lalawigan. Dinaluhan ito nina Quezon Governor David Suarez, Vice Gov. Samuel Nantes, former Congw. Aleta Suarez, board members, mga kawani ng iba’t-ibang pamahalaang lokal at nasyonal, mga punong-bayan at panauhing pandangal na si Sen. Cynthia Villar.

Sa pagpapakilala ng gobernador kay Sen. Villar, sinabi nitong malaki ang pagmamalasakit ng senador sa mga magsasaka. Malaki anya ang naging epekto ng produksyon ng niyog sa lalawigan hindi lamang sa pamumuhay ng mga mamamayan pati na rin sa kaunlaran ng kultura at industriya ng lalawigan kaugnay ng kasalukuyang Niyogyugan Festival 2017.

Natuwa at nagpasalamat naman si Sen. Villar sa pagkakataong ibinigay sa kanya upang makadalo at masaksihan ang pagdiriwang para sa dedikasyon ng mga magsasaka sa kanilang trabaho. Alinsunod dito ay ibinalita ng senador ang mga nakalaang pondo para sa mga manggagawa tulad ng ipapasa niyang coconut industry development fund na magbibigay benepisyo sa mga coconut farmers.

Pin It on Pinterest