News

National High School sa loob ng Don Victor Ville, pinasinayaan na

Pinasinayaan na at pormal nang binuksan ang Don Victor Ville National High School sa Barangay Silangang Mayao sa Lucena City.

Ang naturang paaralan ay nasa loob mismo ng naturang village na isang dream come true upang maging ganap na isang komunidad ang Don Victor Ville.

Ang Don Victor Ville isang housing project ng lokal na pamahaalan ng Lucena City noong 2016 para sa mga jeepney drivers at operator at mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Sabi ng ilang magulang na naninirahan dito, ang pagkakaroon ng secondary school sa lugar ay malaking kapakinabangan.

Sabi ng ilang estudyante, ang pagkakaroon ng paaralan sa loob ng naturang compound ay ligtas para sa kanila.

August 29 ng taong kasalukuyan nang magsimula na dito ang pagbubukas ng klase.

Sa kasalukuyan ayon kay Ma’am Anica Villaruel, ang schoolhead ng paaralan, mayroon ditong 26 na estudyante para sa Grade 7, 14 para sa Grade 8, 12 para sa grade 9 at pito naman para sa grade 10 pero inaasahan na ang mga mag-aaral dito ay dadami pa hanggang sa mga susunod na araw.

Bagama’t may dalawang classroom at isang opisina pa lang mayroon dito, magtatayo ng mga temporary classroom, tuloy daw ang magiging expansion ng paaralan.

Naisakatupan ang proyektong ito dahil sa magandang relasyon ng Department of Education at ng Local Government of Lucena City tungo sa higit na pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Personal na dumalo sa pagpapasinaya si Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala na silang may inisyatibo nito.

Dumalo rin ang ilang opisyal ng barangay at DepEd Lucena.

Pin It on Pinterest