News

Quezon for Leni motorcade para sa pagkapangulo ni VP Leni

Nagsagawa ng isang motorcade ang grupo ng Quezon for Leni sa Lungsod ng Lucena nitong Biyernes ng umaga, October 8. Una rito, sinimulan ang aktibidad sa isang misa bilang pagpapasalamat nila kay Vice President Leni Robredo sa hamon ng sambayanan para sa kanyang kandidatura bilang Pangulo ng bansa. “Ito ay misa ng pasasalamat para sa pagtanggap ni President Leni sa sa hamon ng sambayanan at ito ay isa ring paghingi ng tulong sa Poong Maykapal na tayo ay gabayan tungo sa isang maaliwalas na bukas na kung saan hindi lamang si VP Leni kundi ang buong sambayanan.” Ayon kay German Mercado, coordinator ng Quezon for Leni sa ikalawang distrito ng lalawigan. Ayon pa dito, “Batay sa mga ulat at mga text messages sa buong Quezon itong misang ito ay simultaneously gaganapin sa iba’t ibang bayan sa Quezon kung hindi man worm bodies may mga intentions especially sa Candelaria we have 10 days ang mass.”

Ibinahagi ni Mercado kung bakit nila itinutulak si Vice President Robredo na maging Pangulo ng bansa. “Yung mga tao, kami, mag-uumpisa ako sa aking sarili at mga kasama nakita namin ang sinseridad, walang bahid-dungis kahit maliit o wala halos siyang budget, siya’y naglingkod lalong lalo nang naging matingkad sa panahon ng pandemya.

Hindi lang daw ito ang ginawa nilang aktibidad kundi tuloy-tuloy ang kanilang gagawing programa sa iba’t ibang bayan at lungsod na sakop ng Quezon bilang pagsuporta.

Pin It on Pinterest