Bagong gusali sa loob ng DLL, pormal nang pinasinayaan
Pormal ng pinasinayaan at binasbasan ang bagong gusali sa loob ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena o DLL sa Barangay Isabang, Lucena City nitong Martes ng umaga, April 18.
Ayon kay DLL President Dr. Maria Charmaine Lagustan, ang naturang gusali ay may tatlong palapag at 9 na classrooms na inaasahang maseserbisyuhan ang higit 450 students at sila na ang mangangalaga sa bagong pasilidad na kaloob ng pamahalaang panlungsod.
“The new building is actually 3 storey building which comprise of 9 aircondition classrooms.”
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng DLL kay Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick Alcala sa pagtulong at suportang ipinagkakaloob nito sa kanilang institusyon.
Ang bagong gusali ay pinondohan daw ng lokal na pamahaalan ng Lucena.
“Actually, the new DLL Building is actually funded by the city government of City of Lucena it was actually priority projects of the City Government which started during the time of Mayor Roderick Alcala and it was implemented during the time of Mayor Mark Alcala.”
Ang blessing at ribbon cutting ng bagong gusali ay dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno at ng mga kawani ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Mark Alcala, DLL President Dr. Maria Charmaine Lagustan at Chief Administrative Officer ng Commission on Higher Education o CHED Regional Office IV na siyang naging panauhing tagapagsalita sa aktibidad.
“I’am also a witness to what institution to how the institution transform to what it is now the only class it is saw when I’m visiting in 2016 there where but few only occupying the 3rd and 4th building yes and I ask them Ma’am Torres how could this office particular those occupying the left side, how will they concentrate in the daily activity are making noise sabi niya sa akin may disiplina po ang aking mga estudyante.”
Hiniling naman ni Mayor Mark Alcala sa mga mag-aaral, guro at mga kawani ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na alagaan at ingatan ang bagong gusali nito.