News

Bagong Gusali ng DLL magagamit na; mga bagong silid aralan, bagong kuwarto ng pagkatuto

Matapos pasinayaan, bukas na bukas magagamit na kaagad ng mga guro at estudyante ang bagong gusali na itinayo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena (DLL) ayon yan kay DLL President Dr. Maria Charmaine Lagustan.

Umaga ng April 18, 2022 pormal nang pinasinayaan ang bagong three-story building sa nasabing paaralan.

Dumalo sa pagpapasinaya at pagbasbas sa gusali si Lucena City Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick Alcala, bisita rito ang mga opisyal ng Commission on Higher Education Region IV-A.

Ang mga karagdagang silid aralan na ito, sabi ng ilang mag-aaral ay mga kwarto para sa higit na pag-katuto.

‘’Sa pagdagdag po ng ating mga building at mga classroom magkakaroon ng access ang mga kabataan ang mga Dalubcenians na matuto po,’’ ang sabi ni Jade Diane Guerrero.

Mula sa lokal na pamahalaan ng Lucena City ang pondo na ginamit sa pagtatayo ng gusali na may siyam na classroom lahat ng kwarto ay air conditioned.

Hindi maiwasan ng ilang mag-aaral na magpasalamat sa pamunuan ng paaralan lalo’t higit sa lokal na pamahalaan sa suportang ibinigay bagay na ramdam na ramdam daw ng mga Dalubcenians.

‘’Kasi po nag-aaral po kami dito ng libre so hindi po sila na focus doon kundi po sa katayuan po ng mga estudyante.”

Ang bagong pasilididad na ito ay posibleng magamit ng halos lahat ng mga mag-aaral

Sa ngayon sa tala ng paaralan nasa mahigit 3,000 ang mga nag-aaral dito kaya malaking bagay ang karagdang gusali na ito.

Ang Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ay recognized ng Commission on Higher Education Institution bagay na ipinagmamalaki ng hindi lang ng pamunuan ng DLL manging ng Lokal na pamahalaan hindi lahat ng college ay umaabot sa ganitong estado.

Ang Lahat ng program sa DLL nakapag comply sa COPC o Certificate to Program Compliance ng CHED ibig sabihin lahat ng programa ay alinsunod sa standard education na itinatakda ng Commission on Higher Education.

Pin It on Pinterest