News

Bagong silang na sanggol, inabandona sa sementeryo

Isang kasisilang pa lamang na sanggol na lalaki ang inabandona sa loob ng sementeryo sa Guinayangan, Quezon.

Ayon sa Guinayangan Municipal Police Station, dakong alas 3:20 Lunes ng hapon nakatanggap sila ng impormasyon na isang concerned citizen ang nakakita ng sanggol na lalaki sa sementeryo na nakalagay sa isang sako.

Agad na pinuntahan ng kapulisan ang lugar at natuklasan na buhay ang sanggol at nakakabit pa ang umbilical cord nito.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang isang araw o ilang oras pa lamang naiisilang ito ng makita.

Agad itong dinala sa Guinayangan Community Medicare para masuri ang kalagayan.

Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa tanggapan ng lokal na DSWD para sa pangangalaga sa sanggol.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at tinitingnan ang mga kuha ng CCTv sa lugar para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol at kung sino ang mga magulang nito.

Pin It on Pinterest