News

Pilipinas ang pinakamasayang bansa sa mundo noong 2022, ayon sa isang survey

Likas sa mga Pilipino ang masayahin sa kabila ng mga pinagdadaanang mga pagsubok. Ang mga Pinoy laging nakangiti.

Sabi ni mamang Opeth, basta sama-sama ang pamilya at nakakaraos, okay na masaya na kahit paano.

“Basta kasama mo ang pamilya mo, masaya ka talaga. Ang mahalaga ay magdasal at nakakaraos kahit mahirap basta kasama ang pamilya masayang-masaya na”.

Ang tindero na si Don don, sinabi niyang masaya na siya sa piling ng kanyang pamilya.

“Masaya kapag kasama ang pamilya, kumpleto”.

Sabi ni Mamang Danny, ang hindi lang nagpapaligaya ngayon sa maraming Pilipino lalo sa mga mahihirap ang labis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Eh ang isang libo, sandal lang ubos eh yun ang hindi masaya, pero sa ibang bagay masaya”.

Samantala ayon sa isang survey, Pilipinas ang pinakamasayang bansa sa mundo noong 2022.

Ayon sa 2022 End of Year Survey ng Gallup International Association (GIA), sa 34 na bansang si¬nurvey, ang Pilipinas ang nangunguna sa net score na 75%, kung saan nakasama sa top 5 ang Mexi¬co, Malaysia, Afghanistan at Ecuador.

Lumabas din umano sa survey na 39% ng mga Pilipino ay umaasa na ang 2023 ay magiging mas mahusay kaysa sa 2022; 52% ang nagsasabing magiging pareho lang ito. May 5% ang nagsasabing mas malala ito at 4% ang hindi talaga alam.

Pin It on Pinterest