News

Bagong water truck ng Guinayangan LGU, gagamitin sa paghahatid ng tubig at panglinis ng kalsada at kanal

Dumating na ang bagong water truck ng Pamahalaang Bayan ng Guinayangan, Quezon na magiging supply ng patubig sa BFP na siyang pangunahing layunin ng pagkakaroon nito sa kanilang bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, magagamit ang naturang truck bilang pang-linis ng mga kalsada at kanal alinsunod sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga komunidad ng naturang bayan.

Bukod dito, magagamit din ito upang suplayan ng patubig ang mga tanggapan sa Pamahalaang Bayan kung sakaling magkaroon ng biglaang water shortage.

Ikinagalak naman ni Mayor Maden Isaac at Vice Mayor Norman Dublois ang pagkakaroon ng water truck dahil anila malaking tulong ang pagkakaroon nito sa kanilang bayan bilang tugon sa tumitinding suliraning panlipunan partikular na sa pagkakaroon ng immediate response sa sakuna at problema sa mga pagpapanatili ng kalinisan ng bawat komunidad.

Pin It on Pinterest