News

TEENDIG project, inilunsad ng DOH sa Catanauan, Quezon

Matagumpay na inilunsad ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Calabarzon, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Catanauan, Quezon ang TEENDIG Kabataan! Kalusugan ay Pahalagahan Project sa Matandang Sabang National High School nitong Martes, ika-3 ng Oktubre.

Ang proyektong ito ay naglalayong tugunan ang mga isyu sa kalusugan na kinakaharap ng mga kabataan ngayon, kabilang ang teenage pregnancy, HIV, mental health issues, at iba pa.

Kasama sa T.E.E.N.Dig project ang isang adolescent-friendly facility na kumpleto sa gamit at may kakayahang mag-alok ng mga serbisyo tulad ng General Health Assessment, physical exam, healthy lifestyle counseling at iba pa na makakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang psychosocial at mental na kalusugan.

Dumalo sa launching ng programa sina Cong. Reynan Arrogancia, Bokal JJ Aquivido, DOH Center for Health Development CALABARZON Director Dr. Ariel I. Valencia, DOH4A Assistant Regional Director Leda Hernandez at Mayor Ramon Orfanel.

Samantala, umabot na sa 20 TEENDIG centers ang inilunsad ng DOH sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon ng Calabarzon.

Pin It on Pinterest