News

Reklamo sa proyektong hindi pa natutupad ng SPTA ng isang paaralan, pangulo ng nagpaliwanag

Nasaan na ang project? Ano ang hinihintay? ‘Yan ang tanong sa naging reklamo ng nagpakikilalang umano’y representative ng mga parents ng West 1 Elementary School na dumulog sa aming himpilan kaugnay sa umano’y proyekto na hindi pa natutupad ng kasalukuyang pamunuan ng School Parent Teacher Association ng naturang paaralan.

Ang tinutukoy na proyekto ay pagpapagawa umano ng comfort room sa Gabaldon Building ng nasabing paaralan na kasama raw sa pondo na nalikom na pera sa isinagawang fund raising ng nasabing asosasyon noong nakaraang Abril – ang Mr. and Ms. West 1 na umabot daw sa P1.9 milyon.

Noong Lunes ng hapon nang dumulog ang nagrereklamo na tumanggi nang magpa-interview sa harap ng camera

Sumagot sa reklamong ito si Mr. Jojo Delos Reyes, ang kasalukuyang Pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA) ng nabangit na mababang paraalan.

Bakit nga ba hindi nagawa ang CR sa Galabon Building na isa raw National Heritage Site?

“Kasi nga ayaw ng principal dito sa Gabaldon kasi pinoprotektahan din ng principal ‘yung ano nga. Ininspeksyon na rin ito ng superintendent, hindi rin sila pumayag kasi nga heritage,” saad ni Delos Reyes.

Sinabi ni Delos Reyes na may irerekomenda naman daw sana na lugar para sa pagtatayuan ng CR subalit hindi raw aprubado sa ilang magulang.

Sa usapin ng kanilang pondo na nalikom sa ginawang fund raising activity, sabi ng pangulo ng SPTA ng naturang school, katunayan nasa mahigit dalawang milyong piso ito na inilaan daw sa maayos na paggasta sa iba’t ibang programa para school. Lahat raw ng kagastusan mula sa pondo nila ay nakatala at handa raw nilang ipakita.

Nagkakahalaga raw sana ng 400 libong piso ang pondo para sa pagpapagawa ng CR na siyang natitirang pondo ngayon ng asosasyon na ngayon ay patuloy na nababawasan sa iba’t ibang programa. Kung napagkasuduan daw sana noon pa kung saan magpapagawa ng CR, sana raw ito ay tapos na at hindi inunang gawin ang ibang proyekto.

Sa usapin ng CR Project, sabi ni Delos Reyes, tila raw siya ang naiipit sa kagustuhan ng nagrereklamo at sa hindi pagsang-ayon ng pamunuan ng eskwelahan. Ang usapin daw na ito ay makailang beses na nilang napagpulungan.

Pin It on Pinterest