Barangay Talao-Talao, dinadagsa na ng mga lokal na turista; kalinisan ipinananawagan
Ngayong tag-init, ramdam na ang sigla ng turismo sa Barangay Talao-Talao, Lucena City ang isa mga Coastal Area Barangay ng syudad.
Nagsisimula nang dayuhin ng mga lokal na turista ang kanilang baybaying dagat na ang ilan ay mula pa sa mga kalapit na bayan upang dito magswimming.
Tuwing weekend simula ng pumasok ang summer season dinadagsa na dito ng mga naliligo ma pa bata man o matanda, todo tampisaw sa dagat.
Ang mga cottage sa baybaying dagat halos mapuno, ang mga beach resort abala sa pagdagsa ng mga lokal na turista.
Hindi lang sa paliligo dinarayo ang kanilang baybayin, ang ilan nagrerelax at chill lang gamit ang kanilang mga duyan, dito tumatambay upang unwind.
Ngayong summer vacation, tiyak na mas daragsa pa sa lugar ang mga turistang pupunta, bagay na pinaghandaan na ng barangay at ng lokal na pamahalaan katuwang ang Law Enforcement Unit upang mapangalagaan ang kaligtasan at siguridad.
Naglalatag na ng mga assistance desk para tumugon sa iba’t ibang aberya kung sakali man.
“Lagi naming paalala kapag pupunta kayo dito na laging magiingat though may mga nakabantay tayong mga barangay tanod taga DRRM, PNP Maritime, Coastguad at iba pa”
Ayon kay Kapitan Reil Briones bagamat handa sila, ang kaligtasan ay dapat mag mumula mismo sa mga sarili ito ang paalala ng opisyal.
Ingatan ang mga bata sa paliligo, ang personal na dalahin ay hindi dapat nagpapakalat kalat, bagamat wala pang naitatala sa ngayon ng mga kaso ng nakawan sa lugar buhat ng pumasok ang dry season, laging paalala ni Kapitan huwag bigyan ng pagkakataon na makapangbiktima ang mga kawatan.
‘’Iba pa rin yung nag iingat tayo sa ating mga sarili pa upang malayo tayo sa disgraya.”
Samantala, lingo ng umaga nagkaroon ang inspeksyon dito ang Quezon PNP Maritime at ang barangay upang paalalahan ang mga turista na ingatan ang mga sarili sa anong posibleng aberya, binisita rin ang mga resort sa lugar upang tingnan ang kahandaan at ipinaala na iprayoridad ang safety ng kanilang costumer.
Sa pagdami ng mga tao, basura ang isa sa nagiging problema ang madalas naiiwan sa baybaying dagat, bagamat may mga naglilinis naman at malinis ang private resort sa lugar, hindi maiwasan ang ilang lokal na turista, iiwanan nalang ang mga basura, bagay na kaya naman sanang solusyonan sa pamamagitan ng pagiging responsable.
Panawagan ng ni Kapitan Briones kung maari ang kanilang mga basura itapon sa basurahan o di kaya ay baunin pauwi.
‘’Tulong tulong po tayo para ang ating likas na yaman ma-preserve natin sabi ko nga magbaon ng disiplina sa ating sarili.”