News

Cash aid Para sa Mahihirap, marami ang gustong makatanggap

Sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, minsan hindi daw talaga sapat ang kinikita ng marami gaya ni Genesis sa pagdedeliver ng mineral water binubuhay ang pamilya, kulang raw sa pang-araw -araw na gastusin ang kanyang kita, kaya todo higpit ng sinturon ang ginagawa.

“Ang hirap din mag budget sa panahon ngayon mamahal na, ano pa bang ano naming kundi mag-itlog, minsan tuyo minsan sardinas,’’ ayon akay Genesis.

Sabi nya ang ano mang tulong ngayon mula sa gobyerno ay talagang malaking bagay.

Samantala, magbibigay ng panibagong cash assistance ang Marcos Administration sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program.

Ayon kay Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, inihahanda na nila ang paglulunsad ng panibagong bugso ng cash aid para sa mga mahihirap nating kababayan na layong maibsan ang epekto ng inflation rate.

Sa ganitong uri ng program sana raw mapasama si Genesis apektado rin daw naman siya ng epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

“Sana mapasama kami, kahit sa bigas nalang makakabili ka ng sampung kilong bigas,’’ang sabi ni Genesis.

Kinumpirma ni Diokno na ikino-konsidera nila ngayon ang pagbibigay ng dalawang buwang subsidiya sa mga consumer.

Ang ilan umaasa rin sa ganitong ayuda, dalangin nila mapasama sa programa.

Aabot aniya sa 9.3 million “poorest of the poor” ang makakatanggap ng isang libong piso na hahatiin sa loob ng dalawang buwan.

Pin It on Pinterest