News

Mahigit 300 Person with Disabilities sa Lucena City sumailalim sa Cash-for-Work Program

Mahigit 300 Person With Disabilities sa Lucena City ang naging Beneficiary ng Cash-for-Work Program ng Department of Social Welfare Development Office Region 4.

“So sila po ay pinili ‘yung may kakayahang magtrabaho na kahit kaunting sandali para mayroon silang pangkabuhayan.”

Sa isang araw na pagtatrabaho sa loob lamang ng ilang oras ang mga benepisyaryo ng program ay babayaran ng 435 pesos, sa loob ng sampung araw o 4,350 pesos ang kanilang natanggap.

Umaga ng Abril 25, ng taong kasaluyan natanggap na ng mga benepisyaryo ang kanilang pinagtrabahuhan na malaking tulong raw kahit paano sabi ng ilang beneficiary para sa mga gastusin.

Ang ilan sinabing gagamitin sa pangkabuhayan ang perang natanggap.

Sabi ni Rosamarie Mangubat ang Focal Person ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Lucena City layon ng programa na kumita kahit paano ang sektor ng mga may kapansanan sa syudad upang matugunan ang mga pangangailangan o kaya ay magkaroon ng kaunting puhunan sa pangkabuhan.

‘’Ang sinasabi po sa atin dito ay matulungan ang ating mga kababayang may kapansanan na mabigyan ng kaunting puhunan matapos na sila po ay makapagtrabaho ng sampung araw.”

Noong buwan ng Marso nagsimula ang programa sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa DSWD Regional Office.

Sa Pamahalaang lokak ng Lucena City lagi raw may puwang ang sektor ng may mga kapansanan.

Pin It on Pinterest