News

Bayan ng Guinayangan, naghahanda na sa Undas 2022

Bilang paghahanda sa nalalapit na araw ng mga patay o undas, nagsimula nang maglinis ang bayan ng Guinayangan, Quezon sa Municipal Cemetery ng Guinayangan.

Ito ay upang malinis at mahawan ang mga nagtataasang damo, pati na rin upang matanggal ang mga nagkalat na basura.

Pinangunahan ang gawaing ito ng mga Job Order o J.O. at Casual employees ng Pamahalaang Bayan ng Guinayangan.

Layunin naman ng nasabing gawain ay hindi lamang sa paghahanada sa Undas 2022 kung di upang makatulong sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Isa rin ito sa mga pamamaraan upang malabanan ang pinangangambahan ng mamamayan sa nasabing bayan ang sakit na Dengue.

Ayon sa pag-aaral patuloy parin ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa bansa at isa sa dahilan umano ng pagtaas ng kaso ng dengue ay hindi epektibong dengue control strategies.

Samantala, naging posible ang gawaing ito sa tulong at suporta ni Mayor Maden Isaac, Vice Mayor Norman Dublois at Sangguniang Bayan Members kasama din sa nasabing programa si MERNO Arnel Puno.

Pin It on Pinterest