Bayan ng Pagbilao at anim pang bayan sa Quezon, Seal of Good Local Governance awardee, Quezon Prov. Government pasok din sa award
Ginawaran ng DILG CALABARZON ang bayan ng Pagbilao bilang isa sa pitong mga bayan sa Lalawigan ng Quezon ng Seal of Good Local Governance o SGLG 2017 kamakailan. Ang anim pang bayan mula sa Quezon ay kinabibilangan ng Gumaca, Mauban, Mulanay, Panukulan, San Antonio at bayan ng Unisan. Ang SGLG ay isang award na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaang panlalawigan, bayan o lungsod dahil sa mabuting pamamahala base sa iba’t ibang aspeto. Istriktong assessment ang isinasagawa ng mga tauhan ng DILG na nagmula pa sa iba’t ibang sangay ng DILG upang i-validate ang mga accomplishments at ginagawang programa ng mga lokal na pamahalaan. Pinagbabasehan sa award ang apat na core areas na Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, and Peace and Order; at isa sa alinmang aspeto sa area ng Business-Friendliness and Competitiveness; Environmental Protection; at Tourism, Culture, and the Arts. Ito ang sinasabing 4+1 assessment na ginawang mas istrikto kaysa noong unang paggagawad ng SGLG.
Samantala kabilang din ang Lalawigan ng Quezon sa tatanggap ng Seal of Goog Local Governance dahil nakapasa din ito sa assessment ng DILG. Sa buong Calabarzon Region, maliban sa Lalawigan ng Quezon ay tumanggap din ng pagkilalang ito ang mga Lalawigan ng Laguna at Rizal. Ang pagkakahirang naman ng bilang awardee ng SGLG ay may kapalit na SGLG Marker bilang patunay ng kanilang achievement at cash incentive na maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan para sa kanilang local development projects.