News

Paglabag sa mga regulasyon ng DENR hindi biro ang parusa

Sa eksklusibong panayam ng Bandilyo TV at 99.7FM kay Ms. Liezl De Mesa, Hepe ng Enforcement Unit ng Department of Environment and Natural Resources ay sinabi nitong hindi basta basta ang parusa sa mga taong lumalabag sa batas patungkol sa kalikasan. Sa pagbabahagi ni De Mesa ay sinabi nitong maaaring makasuhan ng kaareho ng kasong qualified theft ang isang lumabag kung ang aktibidad nito ay walang kapahintulutan mula sa kanilang ahensya o walang kaukulang papeles. Ang kaso ayon sa DENR Enforcement Unit Head ay mayroong pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na taon.

Ayon pa kay De Mesa, bukod sa kaso at posibilidad ng pagkakakulong ay pagmumultahin din ng pamahalaan ang sinomang lalabag sa batas. Iba’t iba anya ang halagang iminumulta ng lalabag dahil kukwentahin pa ito sa value ng anuman ang nahuli.

Dahil dito ay nananawagan ang DENR sa pamamagitan ni De Mesa na sa halip na gumawa ng iligal sa kagubatan o sa kalikasan ay sumunod sa mga itinatadhana ng batas upang legal na makapag-putol ng puno o makakuha ng produktong mula sa kagubatan. Ang pagsunod anya sa batas ay makakatiyak na mapapangalagaan ang mahalagang kapaligiran ng bansa.

Pin It on Pinterest