Bayan ng Pagbilao, muling ginawaran ng ‘unmodified opinion’ ng COA
Muling nakatanggap ng “unmodified” opinion ang bayan ng Pagbilao, Quezon mula sa Commission on Audit (COA) para sa financial statement nito noong 2022.
Ito ang itinuturing na pinakamataas na audit rating na ibinibigay ng mga state auditors sa mga government agencies.
Inihayag ito ni Municipal Accountant Delita Manuba sa harap ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa flag-raising ceremony nitong Lunes.
Nagpasalamat ang opisyal sa iba’t ibang departamento at tanggapan ng pamahalaang bayan sa kanilang suporta at kooperasyon sa pagtiyak ng ganap na pagsunod sa mga batas sa disbursement ng pondo ng pamahalaan.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na nakakuha ang Pagbilao ng naturang rating mula taong 2013.

