Bedridden at Dialysis Patient, Prayoridad na Tulungan ni SK Chairman Rolden Garcia sa Kanyang Kaarawan

Isang buwan bago ang kaarawan ni SK Chairman Rolden Garcia ng Barangay Ibabang Dupay sa Lungsod ng Lucena at kasalukuyang KKDAT National President, imbes na maghanda sa darating niyang kaarawan pinili niya ang tumulong sa mga kabarangay.

Dahil dito, inilunsad niya ang Benefits Birthday for a Cause.

Layunin nito na matulungan ang mga residenteng mas nangangailangan sa panahon ng pandemya.

Prayoridad dito na tulungan ang mga bedridden at dialysis patient.

Kung matatandaan, noong nakaraang taon ay tumanggap ng 40 cakes at iba pang personal na bagay ang natanggap na regalo ni Garcia sa kanyang kaarawan.

Panawagan ng opisyal sa mga nais mag-regalo sa kanyang kaarawan na palitan na lamang ng maaring ibigay sa kanilang mga constituents na nangangailangan.

Pin It on Pinterest