Pagsasabatas ng SIM Card Registration Bill, Malaking Tulong sa Paglutas at Pagpigil sa mga Krimen

Sinusuportahan ng ilang mamamayan sa Lungsod ng Lucena ang pagsasabatas ng panukalang SIM o Subscriber Identity Module Card Registration bill.

Gaya na lamang ni Tatay Antonio na isang Lucenahin, malaking tulong daw ang panukalang batas para malutas at mapigilan ang anumang krimen.

“Oo naman mas mabilis kasi naka-registered eh, mas malalaman agad kung sino ‘yung may-ari nung SIM Card, mas mabilis matukoy kung sino ‘yung may-ari ng SIM Card.”

Ganito rin ang saloobin ng ilan pang Lucenahin…

“Makakatulong lang siya para ma-identify ‘yung person para makilala ‘yung person na kailangang kilalanin.”

“Kumporme ‘yun sa may-ari kung gagamitin sa maganda.”

Batay sa panukala, bawat Pilipino ay magmamay-ari na ng iisang numero na maaaring gamitin anuman ang kaniyang mobile network provider.

Hindi na rin madaling makabibili ng mga SIM card dahil kailangan nang magpakita ng valid identification kalakip ang registration form na ibibigay ng Public Telecommunication Entities. Dahil dito, naniniwala si PNP Chief, P/Gen. Dionardo Carlos na sa pamamagitan ng nasabing batas, madali na nilang matutukoy ang mga nasasangkot sa krimen at mas madali na rin para sa kanila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga kriminal.

Pin It on Pinterest