News

Birthday Cash Gift Distribution para sa mga Senior Citizen at PWD, mas pinabilis

Mas pinabilis na ang pamamahagi ng Birthday Cash Gift ng Pamahalaang Barangay ng Barangay Dalahican sa Lungsod ng Lucena para sa mga Senior Citizens nito upang mas lalong maramdaman ng mga ito ang pagpapahalaga sa kanila na isinagawa nitong Huwebes, February 16.

“Kung inyo pong makikita dati po parang twice a year lang po tayo namamahagi ng ating birthday cash gift so ginawa po nating pabilisin at madaliin ng sagayon ay na ang dapat nilang matanggap dito sa barangay ay natatanggap agad nila right away”.

Ayon kay Kapitan Roderick Macinas, nasa 150 na mga lolo at lola ang tumanggap ng tig P300 bawat isa na nagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Enero.

Aniya, bagama’t maliit na halaga lamang ito, makakatulong daw ito kahit papaano sa pangunahing pangangailangan ng mga nakatatandang sektor sa lugar.

“Para magamit po nila depende may mga maintenance po yung ating mga senior citizen at pagdating naman po sa mga gamutan nakakatulong pa rin naman po tayo”.

“Mas mahalaga po na kahit maliit ang ating naibibigay ang pagpapahalaga naman po ay nakikita nila dahil sila po ay sinasabi nating mahalaga sa isang parte ng lipunan sila po ay kabahagi dahil sila po ay isang sektor ng ating senior citizen na dapat pinapahalagahan”.

Ngayong araw ng Biyernes ay tatanggap rin ng nasabing cash gift ang nasa 48 Person with Disability o PWD na nagdiwang pa rin ng kanilang kaarawan noong Enero.

Matatandaang sinimulan ang naturang programa taong 2018 na kung saan taon-taon ito pinopondohan ng barangay na may layuning makatulong sa pangunahing pangangailangan ng mga senior citizen at PWD na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa lugar.

Pin It on Pinterest