News

Boodle fight isinagawa para sa kick-off ceremony ng Pasayahan sa Lucena City; mga kandidata ng Supermodel International Philippines

Matagumpay na isinagawa nitong Lunes ng umaga ang kick off ceremony ng isa sa pinakamahalagang okasyon sa Lungsod ng Lucena, ang Pasayahan sa Lucena.

Pormal na isinagawa ang pagdiriwang nito sa pangunguna ni Mayor Mark Alcala kasama si Vice Mayor Roderick Alcala para sa Pasayahan sa Lucena 2023.

Maging ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ay nakibahagi rin sa pagdiriwang na ito at mga kapitan ng barangay sa lungsod.

“It looks like matagumpay naman yung ating actually itong boodle fight na ito among super model international candidates na siyang gaganapin dito itong National Final satin. Itong boodle fight na ito para pinaka kick-off ng festivity ng Pasayahan.”

Kasama rin ng alkalde na nakiisa sa pagdaraos nito sina City Administrator Anacleto “jun” Alcala Jr, ilang mga department heads at kawani ng pamahalaang panlungsod.

Ayon kay City Tourism Officer Arween Flores, tampok sa boodle fight ang ilang mga ipinagmamalaking produkto ng lungsod gaya ng champi, tinapa at iba pa upang ibida sa mga candidate ng Supermodel International Philippines na mula sa Luzon at Visayas na siyang mga bisita sa okasyon.

“Syempre ito ay naging tradisyon na natin kung matatandaan ninyo na tuwing pasayahan meron tayong ginaganap na boodle fight kasi ito yung ating pine-feature na mga main dishes ng Lucena na yung Chami Lucena tsaka Tinapa, so kanina naganap nanaman yung ating boodle fight pero ang ating bisita ay ay yung mga kandidata ng Supermodel International dahil ang pasayahan sa Lucena ay presenter meaning tayo po ang major sponsor ng Supermodel International na gaganapin mismo dito sa ating siyudad.”

Ang Supermodel International Philippines ay gaganapin sa Quezon Convention Center sa Lungsod ng Lucena sa darating na Mayo 20.

Hinikayat ang lahat na manuod at suportahan ang naturang National Finals dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na naghost ang Lungsod ng Lucena para sa nasabing aktibidad.

Pin It on Pinterest