Brgy. 4, mas pinaigting ang kampanya laban sa kriminalidad
Mas pinaigting ng Pamahalaang Pambarangay ng Barangay 4 sa Lungsod ng Lucena ang pagpapatupad ng Foot Patrol para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lugar.
Ito ang sinabi ni Kapitan Editha Carurucan sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.
“Ang Foot Patrol ay hindi ho natitigil, bumagyo man ho o umulan o umaraw ay andyan po ang mga tanod na nagfofoot patrol,” saad ni Kapitan Carurucan.
Samantala, sinabi pa ni Carurucan na handa ang kanilang mga tanod upang tumugon sa mga nangangailangan ng agarang tulong.
Makakasiguro aniya ang residente na susundin at tutuparin ng mga tanod ang mandato dahil sa mas pinaigting na seguridad, partikular ang pagpapanatili ng peace and order sa buong barangay.
Simula alas 7:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga naka-duty ang kanilang mga tanod bagay na malaking tulong daw sa komunidad.
“Malaki po ang naitulong non kasi nga po may time naman po na nasasamahan tayo ng mga pulis na nakaduty dito sa ating barangay. Hindi man po araw-araw pero nakakasama po kaay aware po ang mga tao na sadya pong kasama namin ang pulis sa pagseserbisyo dito sa barangay,” dagdag ni Kapitan Carurucan.