Pag-iinspeksyon sa mga business establishments, tuloy-tuloy na isinasagawa
Patuloy na isinasagawa ng Joint Inspection Team ang pag-iinspeksyon ng mga business establishments sa bayan ng Infanta, Quezon batay sa atas ni Punong Bayan Filipina Grace America.
Kamakailan ay ang Barangay Banugao at Pilaway ang binisita ng nasabing grupo upang siyasatin ang mga naroroong negosyo.
Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang pagtupad ng mga establisiyemento, maliit man o malaki sa mga kautusan ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagkuha ng business permit.
Ilan lamang sa mga kwalipikasyon upang makakuha ng permit ay ang kalinisan, maayos na sanitation, pagsunod sa mga building at fire code, paglalagay ng maayos na ‘waste disposal’ at iba pa.