News

Brgy. Ilayang Iyam sa Lucena City, Drug-Cleared Na

Idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region na drug-cleared ang Barangay Ilayang Iyam sa Lungsod ng Lucena.

Ito ay matapos na makasunod sa lahat ng parameters na itinakda ng Regional Oversight Committee para sa Barangay Drug Clearing Program, na pinamumunuan ng PDEA, Philippine National Police o PNP, Department of the Interior and Local Government o DILG, at Department of Health o DOH, kaya naideklarang drug cleared ang nasabing barangay nitong Huwebes ng umaga, May 25.

“Pinilit namin magawa ‘yung mga requirements unang-una nga po ang Ilayang Iyam meron po kaming drug personalities na nasa 186 ang 12 po dito ay nabigyan po pusher at ang 174 po ay user. Nagkakaroon po kami ng drug rehabilition program ang 45 po dito ay napa-graduate namin apat na raw na nagkaroon ng seminar para po sa barangay ‘yun po ay ginastusan namin ng barangay”.

Ayon kay Kapitan Romy Comia, kahapon ng umagay ay isinagawa ang pinal na deliberasyon hinggil dito sa Lucena City Police Station, kung saan tuluyan nang idineklara ng PDEA na drug cleared ang kanilang barangay.

Aniya, naging possible ito bunsod na rin nang pagtutulungan ng mga barangay at ng City Anti-Drug Abuse Council o CADAC.

Sinabi ng Punong Barangay na sila ay nakikipagtulungan sa CADAC para sa monitoring ng mga Recovering Persons Who Used Drugs o RPWUDs at binibigyan sila ng interventions at isinasailalim sa rehabilitation programs upang maturuan na magkaroon ng kasanayan at kabuhayan upang muling makasalamuha sa kanilang komunidad.

“Ipinaliwanag ko rin sa kanila na meron po tayong alternative program na ginawa ng barangay tulad po ng monthly monitoring namin hindi lang po RPWUDs ‘yung aming minomonitor ‘yun po ay kasama na rin ‘yung aming pamilya nagkaroon din po kami ng scholarship assistance”.

Pin It on Pinterest