News

Budget ng ilang ordinaryong mamamayan, hindi na raw sapat sa mataas na presyo ng bilihin

Hindi raw katulad noong mga nakaraang panahon ang isang libong pisong budget sa pamamalingke marami ang nabibili pero ngayon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ang isang libong piso halos hindi na raw sumapat sa pagba-budget kaunti na ang nabibili.

“Kaunti lang po kumpara dati na ang dami kong nabibili ngayon ay kakaunti sa halagang one thousand sa sobrang mahal ng bilihin natin ngayon” ayon sa isang consumer.

Ang dalawaang daang piso na ipinamili ni Mamang Jun para sa ulam na pananghalian gulay na lamang ang nabili at kakaunti pa.

‘’ito lang halos kaunti lang, ay kapag ano tinipid tipid nalang para makumpleto ang maghapon”, sabi ni Mang Jun.

Ang 5k na budget ni Flor na ipinamimili bilang retailer ay kakaunti na raw ngayon kung dati rati halos mapuno raw ang kanilang tricycle ngayon sa higit 3 libong napapamili nila halos ilang basket palang ang nilalaman.

‘’pang retail pang rekado mga sibuyas, bawang palang wala pang isda wala pang tuyo-tuyo.. ‘yung 5k na pinamimili n’yo dati marami na? oo isang kulang nalang isang puno sa tricycle ngayon kaya ng bit-bitin kaya ng isakay sa jeep dahil ang mahal, weekly ako namimili pero laging taas ng taas,” sabi ni Flor.

Sabi nila bumababa raw ang purchasing power ngayon ng pera dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate.

ito ay kasunod na rin ng naitalang 7.7 inflation rate o pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre, pinakamabilis na pagtaas sa halaga ng mga bilihin simula noong December 2008.

Malaki ang itinaas sa presyo ng mga basic necessities at prime commodities na ramdam na radam ngayon ng mga consumer.

Pin It on Pinterest