News

Pagdiriwang ng Pasko, magiging karaniwan nalang dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin

Sa nagtaasang presyo ngayon ng mga bilihin higit isang buwan bago ang holiday season sabi ng ilang ordinaryong mamayan, hindi katulad noong mga nakaraang panahon magiging karaniwan nalang ngayon ang pagdiriwang nila ng kapaskuhan.

Tila hindi na raw kasi kaya pa ng budget ng ilan na bumili ng maraming pagsasaluhan sa hapag dahil sa mahal ng presyo ng maraming produkto na tiyak daw na magtataasan pa habang papalapit kapaskuhan.

Gaya ng tricycle driver na si Ambet, hindi tiyak kung may masaganang pagdiriwang sa pasko dahil sa hina ng kita ngayon sa pamamasada halos kulang pa raw sa pamilya ang kinikita.

‘’kakaunti ang kinikita, lahat mahal pati gulay tapos e gasolina mataas, sa paparating na Pasko paano pagdiriwang natin? Hindi katulad ng dati, pangkaraniwan nalang bastat may pagsasaluhan,” sabi ni Ambet.

May epekto raw ang mataas na presyo ngayon ng mga bilihin sa kagaya ni Nanay Flor na isang tindera sa bangketa lalo’t mahina ngayon ang paghahapbuhay, dahil dito wala siyang plano sa pagsapit ng Pasko.

‘’Baka po hindi na ako makapaghanda sa mahal ng bilihin, itutulo na lang” saad ni Aling Flor.

Ang mataas na presyo ngayon ng maraming produkto ramdam na ramdam ng mga mamimili.

‘’Pataas ng pataas wari ko ay walang nababa” sabi ng isang mamimili.

Umabot sa 7.7% ang naitalang inflation rate sa bansa nitong Oktubre.

Ayon sa ilang eksperto, dapat maging positibo pa rin ang pananaw ngayon ng mga Pilipino.

Dapat lang matuto ang mga Pinoy na i-prayoridad ang mga pangunahing pangangailangan, tulad ng pagkain sa halip na luho ngayong nakararanas ng economic crisis ang bansa.

Pin It on Pinterest