News

Burmese Python na iligal sanang ibebenta, nasagip sa Lucena City

Isang Burmese Python ang na-rescue ng mga tauhan ng Quezon PNP Maritime sa Lucena City. Ang ahas ay iligal sanang ibebenta.

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki sa illegal trading of wildlife matapos nitong tangkain na ibenta sa mga tauhan ng Quezon Maritime Police na nagpanggap na buyer ang isang ahas na higit isang metro ang haba sa isinagawang buy-bust operation noong May 8, 2023 sa Barangay 5, Lucena City kung saan residente ang suspek.

Sa halagang limang libong piso ibenebenta ng suspek ang ahas. Ang negosayon ay naganap online na tumagal din ng nasa isang linggo.

Nang magkasundo na sa lugar at presyo, sa superbisyon ni PLT. Jeffrey Eguisabal, ang bagong Chief Officer ng Quezon Maritime Police Station alas 11:00 ng gabi ikinasa ang operasyon.

Ayon kay PLT. Arnel Abrigo, ang Chief Admin. ng Quezon Maritime PNP, nang tanggapin ng suspek ang buy-bust money, dinakip ito matapos na walang maipakitang mga dokumento sa pagbebenta ng wildlife na labag sa R.A. 9147 (Illegal Trading of Wildlife).

Ang naturang reptile ay na-i-turnover na sa DENR para sa tamang disposiyon. Ang suspek naman ay sinapampahan na ng kaukulang kaso.

Aminado umano ang suspek na labag sa batas ang kanyang ginawa, pero depensa raw nito nagawa lamang ito dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Ang operasyon ay bunga ng pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa illegal trading of wildlife.

Pin It on Pinterest