Business One Stop Shop sa Atimonan, Quezon, naglaan ng 10 kilong bigas sa mauunang 850 Business Tax Payers
Naglaan ang Pamahalaang Bayan ng Atimonan, Quezon ng 10 kilong bigas sa pamamagitan ng Business One Stop Shop o BOSS sa pamumuno ni Mayor Ticoy Mendoza kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Zenaida Veranga.
Ito ay taunang isinasagawa para sa mga nagrerenew at nag-aapply ng Business Permit sa pamamagitan ng Business Permit and Licensing Section o BPLS sa pamumuno ni Ms. Mildred Escritor- Licensing Officer III/BPLO Head upang mas mapabilis ang serbisyong ibinibigay ng BPLO Atimonan sa mga negosyanteng kumukuha ng business permit.
Makakatanggap ang mauunang 850 Business Tax Payers ng 10 Kilong Bigas bilang pasasalamat sa kanila.
Maliban dito, may inihanda ring libreng meryenda gaya ng snacks, crackers at kape ang BPLO Atimonan sa lahat ng Business Tax Payers habang naghihintay na ma-proseso ang kanilang aplikasyon.