News

‘Chikiting Ligtas 2023,’ inilunsad ng Quezon Provincial Health Office sa Lopez, Quezon

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang malawakang Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity sa bayan ng Lopez, Quezon nitong Biyernes, April 28.

Pinangunahan ng Quezon Provincial Health Office ang paghahatid ng mga bakuna kontra sa polio, rubella at tigdas sa sa bayan ng Lopez, Quezon nitong Biyernes, Abril 28.

Layon nito na mabakunahan ang mga batang may edad 0-59 months old kontra polio at mga batang 9-59 months old kontra rubella at tigdas.

Naisakatuparan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng DOH Center for Health Development Calabarzon, Quezon Provincial DOH Office, Rural Health Unit at lokal na pamahalaan ng Lopez, Quezon.

Nakiisa rin ang Philippine Pediatric Society- Quezon Chapter, Relief International Philippines, at ilang mga kawani mula sa Philhealth.

Samantala, hinikayat pa rin ng tanggapan na makibahagi ang publiko sa gaganapin na MR-OPV SIA ngayong buwan ng Mayo.

Pin It on Pinterest