News

Magsusuot ng face mask nanatili pa rin sa marami

Marami pa rin ngayon ang nagsusuot ng face mask lalo kapag pumupunta sila sa matataong lugar bilang proteksyon daw sa ano mang uri ng sakit, maaaring ilan sa kanila ay nasanay na sa pagsusuot nito buhat ng pandemya.

Si Aling Roberta nakasanayan na ang pagsusuot nito lalo bilang protekyon sa sarili at sa iba.

Samantala, ikinukunsidera ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask sa bansa.

Bunga ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang iba sang-ayon dito.

Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na kukunsultahin niya muna ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Department of Health (DOH) ukol sa naturang plano.

Sa opinyon ni Mamang Roger tumaas man ang kaso ngayon ng COVID o hindi dapat nasa tao na mismo ang pag-iingat tulad ng pagsusuot ng face mask.

Pin It on Pinterest