City Planning and Development Office itinanghal na best implementer ng programang ‘’Sa Lucena, VIP ka’’
Tinanghal ang City Planning and Development Office na top 1 implementer ng programang ‘Sa Lucena, VIP Ka’ Program ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mark Alcala para sa ikaapat na linggo ng Setyembre na may kategoryang Big Offices.
Ito ay may average na 89.67%, top 2 ang City Treasurer’s Office na may average na 89.47% habang top 3 ang City Social Welfare and Development Office na may average na 88.46%.
Iginawad ang Certificate of Recognition ng Alkalde kasama sina Vice Mayor Roderick Alcala, City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr., Atty. Euclides Forbes at City Human Resource Management Officer Dr. Criselda David kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod kasabay ng isinagawang regular na flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga, October 2.
Naging top 1 naman sa kategoryang small offices ang Office of the City Urban Poor Affairs na may average na 85.63% habang top 2 ang Cooperative Development Office na may average na 85.13% at top 3 ang City Tourism Office na may average na 84.13%.