News

Ilan sa mga rice retailer na apektado ng price cap sa Tayabas, natanggap na ang tulong pinansyal

Natanggap na ng ilang maliliit na retailer ng bigas sa Lungsod ng Tayabas na naapektuhan ng rice price ceilings ang tulong pinansyal mula sa nasyunal na pamahalaan.

Ipinatupad ang pamamahagi ng assistance sa mga apektadong rice retailers nitong Biyernes sa isang mall sa Lucena City.

Ang mga nabigyan ng cash grant ay bahagi ng mga rice retailers na labis na naapektuhan ng price cap para sa regular at well milled na bigas sa ilalim ng Executive Order No. 39 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Tumanggap ng tig-P15,000 ang mga rice retailers mula sa Sustainable Livelihood Program -Economic Relief Subsidy to Rice Retailers (SLP-ERS) ng DSWD.

Ayon sa LGU, pinangasiwaan ng Tayabas City Price Coordinating Council ang pagsasaayos ng mga kinakailangang proseso at dokumento para makasali sa mga tatanggap ng subsidy ang mga kwalipikadong rice retailers.

Pin It on Pinterest