News

College student patay, 2 menor de edad sugatan sa salpukan ng motorsiklo sa Catanauan, Quezon

Patay ang isang college student habang kritikal naman ang dalawang menor de edad sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national road sa Barangay Tagbacan Ilaya, Catanauan, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Nelson Villanueva, 23-anyos, residente ng Brgy. 10, Catanauan.

Batay sa imbestigasyon ng Catanauan Police, binabagtas ng motorsiklo na minamaneho ni Villanueva ang direksyon patungo sa Catanauan Town Proper habang nagmula naman sa opposite lane ang isa pang motorsiklo nang mag-overtake sakay ang magka-angas na 17-anyos na menor de edad na residente ng Brgy. Anusan ng nasabing bayan.

“Nag-overshoot ‘yung isang motor kaya nagkabanggan yoong dalawang single, iyong namatay ang biktima, ang nag-overshoot ay ‘yung dalawang menor,” sabi ni PSSgt. Michael Adao, imbestigador sa nangyaring aksidente.

Naisugot pa sa pagamutan ang biktimang si Villaueva sumabalit idineklarang dead on arrival.

Ang bumanggang magkaangkas sa motorsiko ay nagtamo rin ng matitinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na dinala rin sa pagamutan.

Ayon sa imbestigador, kapwa walang suot na mga hemet ang mga ito nang mangyari ang aksidente.

“Yung namatay po ay may helmet na dala kaya lang ay hindi nakasuot, ‘yong dalawamg magkaangkas ay wala pong helmet,” sabi ni Adao.

Dahil sa menor de edad ang mga nakabangga sa biktima, manatitili ang mga ito sa kostudiya ng DSWD.

Bilang pag-iingat, panawagan ng pulisya sa naturang bayan, huwag hayaan ng mga magulang ang mga menor de edad na anak na magmaneho.

“Kung maaari huwag payagan ang mga menor na magmaneho ng sasakyan,” saad ni Adao.

Nangyari ang aksidente, tanghali ng January 9, 2023.

Pin It on Pinterest