News

Ahas na pumasok sa isang opisina, nasagip sa Tayabas City

Nasagip ng mga taga City Environment and Natural Resources Office Tayabas City ang isang ahas na hininalang naligaw sa isang opisina ng kanilang lokal na pamahalaan.

Ang nasabing ahas ay tinatayang nasa isang metro ang haba.

Sabi ni City ENRO staff Senior Environmental Management Specialist Ms. Daryl Pabularcon na silang nag rescue, nang itawag sa kanila ito, kaagad daw nilang ipinutahan upang masagip at hindi makapanakit ng tao.

Napadpad ang ahas sa City Engineering Office sa Lupa Compound, Brgy. San Isidro Zone III sa isang lugar na may mga puno, gamit ang mga protective equipment maayos nila itong nakuha.

‘’gumamit po kami ng protective gloves at stick ah snake clump para makuha yung ahas nasa loob ng ipisina “

Ang ahas ay na-identify bilang isang Paradise Tree Snake.

Ang Paradise Flying Snake o Paradise Tree Snake ay isang mildly venomous constrictor na kadalasang makikita sa mapupunong lugar at sa moist forests o basa-basa na kagubatan, ito ay may kakayahan dumausdos na maaaring sumaklaw sa pahalang na distansya na humigit-kumulang 100 metro sa isang glide mula sa tuktok ng isang puno. Mga butiki, daga, ibon, paniki at palaka ang karaniwan na kinakain nito.

“Umaakyat talaga sila sa puno nag ga glide kasi sila sap uno sa tingin namin bka nangaling talaga sila mga kalapit nap uno”

Jan, 11 ng kasalukuyang taon ng masagip ng mga City ENRO Tayabas ang nurang ahas matapos itong maligaw sa isang opisina ng lokal na pamahalaan na kaagad rin na pinakawalan sa kanilang natural na tahan.

Para sa City Environment and Natural Resources Office ang mga ahas ay hindi dapat na ituring na peste malaki ang kanilang ginagampanan sa pagbalanse ng eco system.
Paalala nila sa publiko kung sakaling makakkita nito sa loob ng tahanan, o saan na huwag daw basta bata saktan o hulihin, tumawag ng raw ng awtoridad.

Pin It on Pinterest