Dagdag na 10% na Diskwento sa Buwis Mag-uumpisa na sa taong 2022
Nagbigay paalala ang Office of the City Treasurer kaugnay sa ordinansa bilang 2774 taong 2021.
Para sa lahat ng mga nagmamay-ari ng mga business establishment sa lungsod ng Lucena na magkakaroon ng dagdag na diskwento sa buwis ang mga makakapagbayad sa tamang oras o mas maaga pa.
Kung sa dating sampung porsyentong diskwento sa buwis, ito’y madadagdagan pa ng sampung porsyento na may kabuuang dalawampung porsyentong diskwento sa buwis sa bisa ng nasabing ordinansa.
Magkakaroon ng bisa ang nasabing ordinansa sa darating na taong 2022.
Kinakailangan lamang na mabayadan ang hindi pa nababayarang buwis upang mapakinabangan ang nasabing diskwento.
Maaaring makipag-ugnayan sa Office of the City Treasurer kung mayroong katanungan ukol dito.
Maaari din na magbayad ng buwis sa pamamagitan ng bank to bank transaction, Gcash at Paymaya.