News

Dagdag-pasahe sa jeep, mananakay ang talo

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pisong hirit na umento sa pasahe sa jeep.

Kahit paano magandang balita para sa mga jeepney driver, ganoon pa man sabi ng ilang tsuper, kulang ang pisong dagdag-pasahe sa sobrang taas daw ngayon ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa LTFRB, epektibo ang umento sa pasahe sa jeep simula sa Oktubre 8 sa buong bansa.

Mula sa kasalukuyang P12, magiging P13 na ang minimum na pasahe.

Bagay na hindi maganda para sa mga mananakay, dagdag pasanin na naman ito sa kinakaharap na krisis ng marami dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Sila na naman daw ang talo.

Sa sitwasyon daw ngayon, wala naman daw kasi silang pagbabawian, halos hindi daw kasi sapat ang kinikita nila sa araw-araw.

Una nang humirit sa LTFRB ng dagdag pasahe ang transport group na Pasang Masda, Association of Concerned Transport Organizations (Acto) at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap).

Idinadahilan ng transport group ang patuloy na pagtaas sa presyo ng prduktong petrolyo.

Ang ilang transport group Kuntento na kahit papaano sa ibinigay na ₱1.00 provisional increase ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para mga public utility jeepney (PUJ).

Ayon sa Pasang Masda, malaking tulong na sa kanilang hanay ang piso na dagdag-pasahe upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Pin It on Pinterest