NewsRegional

Dagdag sahod sa Calabarzon

Ilalabas na ngayong Setyembre ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang bagong wage order sa Region 4A.


Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang kautusan ay nagmula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong dumalo ito sa pagdiriwang ng Labor Day noong Mayo.


“Kailangan ang lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ay magsagawa ng timely review 60 days prior to the anniversary date ng mga nakaraang wage order nila,” pahayag ni Laguesma.


Matatandaang Setyembre rin noong nagdaang taon nagtaas ng sahod sa rehiyon kung saan nabigyan ang mga manggagawa ng P35 hanggang P50 dagdag sa daily minimum wage.

Pin It on Pinterest