Mga computer sets ibinigay sa mga eskwelahan ng pamahalaang lokal ng Sto. Tomas, Batangas
Namahagi ang pamahalaang lokal ng Sto. Tomas, Batangas ng mahigit tatlumpung laptops at desktop computers para sa mga paaralan ng kanilang bayan. Sa ginawang flag raising ceremony noong nakaraang lunes ay isinabay ni Sto. Tomas Mayor Edna Sanchez ang pamamahagi ng mga cumputer units sa iba’t ibang paaralan na tinanggap naman ng mga guro mula sa north at south district school ng bayan. Magagamit ng mga guro ang mga computer units upang mas mapabilis ang kanilang pagta-trabaho sa kani-kanilang mga eskwelahan.
Binigyang parangal at pagkilala rin ng bayan ng Sto. Tomas ang mga mag-aaral at guro na lumahok sa isinagawang Regional Press Conference na isinagawa sa Batangas City kamakailan. Nagwagi ang mga mag-aaral ng North at South District ng Sto. Tomas sa iba’t ibang kategorya sa conference.
Nagpasalamat naman ang Deparment of Education Sto. Tomas sa ibinibigay na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga eskwelahan sa bayan at sa suporta ring ibinibigay nito sa mga guro at mag-aaral.