News

Quezon, kinilala ng DOH sa pagpapanatili ng Malaria-free status

Pinarangalan ng Department of Health- Center for Health Development (DOH-CHD) CALABARZON ang iba’t ibang local government units at pribadong institusyon para sa kani-kanilang kontribusyon sa pagkamit ng malaria-free status ng rehiyon.

Isinagawa ang pagbibigay-parangal nitong Lunes sa Malaria-Free Regional Celebration and Awarding Ceremony sa Novotel Hotel sa Araneta Center Cubao, Quezon City.

Isa sa pinarangalan ang lalawigan ng Quezon kung saan nakamit ang pagiging malaria-free noong 2019, ayon sa DOH.

Kinilala din ng ahensiya iba’t ibang Municipal Health Offices at mga ospital sa lalawigan na nakiisa sa implementasyon ng Malaria Quality Assurance System.

Ayon naman sa DOH, upang mapanatili ang malaria-free status ay inilulunsad ang functional provincial elimination hub na nagsasagawa ng malaria surveillance at tumutugon, nagsusulong ng kalusugan at namamahala sa kaso ng malaria.

Tinitiyak din umano ng bawat lalawigan na ang surveillance ay ang pangunahing binibigyang-daan upang maiwasan ang muling pagpasok ng sakit.

Ang malaria ay isang sakit na naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok.

Pin It on Pinterest