News

Dating Brgy. Tanod na Suspek sa pamamaril sa mga Pulis sa Sariaya, Arestado

Arestado ang dating barangay tanod sa bayan ng Sariaya Quezon na sangkot sa pamamaril sa mga police personnel ng nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si Rolando Cantos Arañez alayas “Lando” 57-anyos residente ng Sitio Duluhan, Brgy. Manggalang 1, Sariaya, Quezon.

Batay sa report ng Quezon Police Provincial Office, April 11 ng madakip ang suspek sa kanyang tahanan, narekober kay alyas Lando ang isang kalibre 45 norinco pistol na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril sa mga awtoridad.

Batay sa pulisya, April 6, ng taong kasalukuyan ng mangyari ang pamamaril sa mga alagad ng batas, pinuntuhan umano ng mga tauhan ng Sariaya PNP ang suspek sa sumbong ng umanoy panggugulo at pagpapaputok ng baril.

Ang mga rumespondeng police binaril umano ng suspek, sugatan ang isang pulis matapos tamaan ng bala ng baril sa hita.

Tumatakas umao ang suspek at tinulungan umanong makalayo ng isang idibidwal, ang tumulong sa supek na makatakas nahuli ng mga awtoridad.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Sariaya PNP sa pangunguna ni PLTCol. Rommel Sobrido at sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Marcelo Gayeta.

Mag-iisang linggo ang nakalipas nahuli ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Sariaya PNP.

Nahaharap sa kasong Frustrated Murder, RA 10591, Direct Assault, Alarm and Scandal.

Pin It on Pinterest