Provincial DRRMO agarang nagsagawa ng paghahanda bunsod sa Tropical Depression “Amang”
Sa pagpasok ng Tropical Depression “Amang” sa Philippine Area of Responsibility, agarang nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan kasama ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction Management council.
Ito ay upang talakayin ang paghahandang isinasagawa upang maiwasan ang sakunang maaaring maidulot ng bagyo.
Isa-isang inihayag ng mga miyembro ng konseho ang paghahandang isinasagawa ng kani-kanilang mga ahensya para sa bagyong Amang partikular na sa mga bayang posibleng tamaan ng bagyo.
Sa kasalukuyan ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa buong lalawigan ng Quezon ayon sa ulat mula sa DOST-PAGASA (Tropical Cyclone Bulletin No.3 issued at 5:00PM, 11 April 2023).
Nais ng gobernador na paigtingin pa ang komunikasyon upang agarang maiparating ang tulong para sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Kanya ring inihayag na naghahanda ang pamahalaang panlalawigan gamit ang karanasan mula sa pinagdaanan nitong mga bagyo noong nakaraang taon.