News

Dating Lucena City Mayor Ramon Y. Talaga Jr. guilty sa paglabag sa RA 3019

Hinatulan ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Lucena City Mayor Ramon Y. Talaga Jr. ng guilty sa paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. May petsang Oktubre a-bente ang desisyon. May kaugnayan ito sa isinampang kaso laban sa dating alkalde noong Setyembre taong 2010 kaugnay naman ng computerization program para lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Lucena na gustong isulong noon ni Talaga. Base sa nakuhang dokumento ng Bandilyo TV, hinatulan ng guilty si Ex-Mayor Ramon Talaga Jr. kasama si Ester Matibag dating budget officer, Ofelia Garcia, dating City Planning and Development Office head at Mercedita Capulong dating Lucena City Treasurer. Base pa rin sa desisyon ng Sandiganbayan ay hinatulan ang mga ito ng anim hanggang walong taong pagkakakulong at habambuhay na pagkaka-diskwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Ang mga kasama naman sa kaso na sina Roderick Abella, Prances Pelobello, Dennis Peter Lopinac at Matias Soriano ay in-acquit ng Sandiganbayan dahil hindi raw napatunyan ng prosekusyon, beyond reasonable doubt na guilty o nagkasala nga ang mga ito.

Samatala base naman sa source ng Bandilyo TV ay naghain na ng mosyon ang kampo ni Talaga para ma-review ng Supreme Court ang desisyon ng Sandiganbayan. Diumano ay pinagkalooban din ng temporary liberty ang dating alkalde ng lungsod ng lucena sa pamamagitan ng pagpi-piyansa ng doble sa dati nitong nailagak na piyansa.

Samantala Oktubre a-sais naman ay naglabas din ng desisyon ang Sandiganbayan tungkol sa isa pang kaso ni Talaga dahil sa pagpapasara ng operasyon ng Bingo ng isang negosyante sa Lungsod ng Lucena pabor sa isa ring Bingo Operation na iba naman ang may hawak ng prangkisa. Kasama namang acquitted sa kaso ang mga dating konsehal ng lungsod na sina namayapang dating Konsehal Godofredo Faller at Wilfredo Asilo, dating Konsehal Salome Dato, Simon Aldovino, Romano Franco Talaga at AurorA Garcia, kasalukuyan pa ring konsehal Victor Paulo, Danilo Zaballero at noon at ngayon ay Vice Mayor Philipp Castillo.

Pin It on Pinterest